Wednesday, September 17, 2014

PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES Lunsod ng Urdaneta, Lalawigan ng Pangasinan Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro Tagapag-ulat: Rolyn Ann G. Camia Taon/Seksyon: BSE Filipino 4 Asignatura: Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat Instruktor: Dr. Nestor Bautista ANG PAGTATAYANG TRADISYUNAL O PORMAL NA PAGTATAYA Ano ang Pagsusulit? Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ang Pagsusulit vs. Pagtuturo Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto, samantalang ang pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay sa mga mag-aaral upang mapagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto. Ang Pagsusulit at Ang Guro Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kaya’t nararapat lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling sa pagtuturo kundi marunong din siyang maghanda ng mga pagsusulit. Ang Tatlong Panahon ng Pagsusulit Wika 1. Pre-scientific o Intuitive Stage – sa panahong ito ay binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ang pagsasaulo ng depinisyon at mga tuntunin, at mga pagsasalin ng mga salita o wika. 2. Scientific Stage – ang panahong ito ay nagsimula kasunod ng paglalathala ng aklat na Language Testing ni Robert Lado noong 1961. Ditto nagsimulang maging popular ang mga Objective Test. 3. Communicative Stage – ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang kasanayan sa wika dahil ang binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay ang paggamit, at hindi ang sangkap nito. Kailan Ibinibigay ang Pagsusulit? 1. Bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan, maaaring magbigay ng pagsusulit upang malaman kung ang mag-aaral ay may taglay na ng mga kinakailangan kasanayan. Ang pagsusulit na ito ay tinatawag na pre-test. 2. Sa pagtatapos ng pagtuturo ng isang kasanayan, nagbibigay ng post-test. 3. Maaari ring magbigay ng maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin. Ito ang tnatawag na panubaybay na pagsusulit (formative test). 4. Sa katapusan ng osang yunit o quarter,nagbibigay tayo ng pagsusulit na pangwakas (summative test). Mga Uri ng Pagsusulit A. Ayon sa Layon, ang mga pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod: 1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement test) 2. Panuring Pagsusulit (Diagnostic test) 3. Pagsusulit sa Kahusayan (Proficiency test) 4. Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude test) B. Ayon sa Dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem 1. Pagsusulit na Discrete Point 2. Pagsusulit na Integrative a. Cloze b. Dictation test C. Ayon sa Kakayahang sinusubok 1. Pakikinig 2. Pagsasalita 3. Pagbasa 4. Pagsulat D. Ayon sa Gamit ng kinalabasan ng pagsusulit 1. Pagsusulit na Norm-referenced 2. Pagsusulit na Criterion-referenced E. Ayon sa Paraan ng pagmamarka at pagwawasto 1. Pagsusulit na Obhektibo (objective type) 2. Pagsusulit na Subhektibo (subjective type) Ang Paghahanda ng Pagsusulit Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda. 1. Pagpaplano ng pagsusulit 2. Paghahanda ng pagsusulit 3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel 4. Pagpapahalaga ng pagsusulit 5. Pagbibigay ng interpretasyon sa kinalabasan ng pagsusulit Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit 1. Pagsusulit na Tama o Mali 2. Pagtukoy ng Mali o error recognition 3. Pagsusulit na may Pagpipilian o multiple choice 4. Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o completion test Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit na may Pagpipiliang Sagot (Multiple choice) A. Ang Stem 1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha ng pagsusulit ang suliranin ng aytem. Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang paggamit ng maliligoy na mga salita. 2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa stem. 3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong negatibo o di kaya’y isulat ito sa malalaking titik. B. Ang mga opsyon • Hangga’t maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may mga padron na maaring sundin. C. Ang mga distraktor 1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit. Dapat tanawinng mga eksameni na halos tamang sagot lahat ng opsyon. 2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distractor kaysa tamang sagot. D. Ang tamang sagot 1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot. 2. Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot. 3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. E. Ang buong aytem 1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito. 2. Iangkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito Ang Pangkasanayang Pagsusulit Wika (Skill Testing) 1. Tapik o Paksa 2. Tungkulin o Gamit ng wika 3. Kawastuhan Mga Halimbawang Aytem sa Apat na Makrong Kasanayan sa Wika para sa Isang Pangkasanayang Pagsusulit Wika 1. Pakikinig A. Iba’t ibang Anyo ng Pagsusulit sa Pakikinig 1. paglalahad o pahayag 2. mga tanong 3. maikling usapan B. Pagtukoy sa Kayariang Pambalarila o Leksikal C. Pagtatala ng mga Detalyeng Semantiko D. Mga Tanong na Pang-unawa E. Pagtukoy sa mga Salik na Sosyolinggwistik 2. Pagsasalita a) Monolog b) Pagsasatao o role playing c) Interbyu d) Pagtatalo o debate Mga Halimbawang Pagsusulit 1. Pagsasalita a. Pagbasa ng malakas b. Pagkukwentong muli c. Paggamit ng mga larawan d. Pagbibigay ng mga angkop na tungkuling pangwika 2. Pagbasa a) Pag-unawa at pagpapakahulugan ng salita 3. Pagsulat a. Pinanutbayang pagsulat o guided writing b. Pagsulat na ginagamitan ng pantulong na mga salita o parirala upang makabuo ng isang talata. Klasipikasyon ng mga Kasanayan sa Pagbasa/Panitikan a. Literal b. Pagpapakahulugan c. Mapanuri/kritikal na pagpapahalaga d. Integratib

1 comment:

  1. ᐈ Casino Site - LuckyClub
    Online Casino - luckyclub best Online Casino with Free Spins - December 2021! Sign up and play at LuckyClub now for a chance to WIN BIG!✔️ No deposits needed!

    ReplyDelete